Mga saloobin na di basta-basta kayang ibahagi sa pamilya o kaibigan. Munting paalala sa taong umiibig at nangangarap na magsilbing kaibigan itong libro para sa'yo.
Ayos lang matulala, isa yun sa paraan para maisip o maalala natin ang importante sa buhay. Kalimutan saglit o daanin sa mabagal na proseso para malutas ang problema. Hindi ito ang kasagutan sa lahat ng problema, pero puedeng maging isang solusyon sa problema mo ngayon-kung paano ngumiti.
Handa ka na ba mga sa susunod na babasahin? O handa ka na din magsulat? Huwag kang matakot, nandito kami para kausapin mo-mga pahina at mambabasa.